Showing posts with label Butch Charvet. Show all posts
Showing posts with label Butch Charvet. Show all posts

SANA NAMAN by Butch Charvet Lyrics

 I
Sana naman makita mo 
Sana naman mapansin mo
Ang puso kong nagmamahal sayo
Naghihintay ng iyong Oo

II
Buksan mo naman ang puso mo
At iyong damhin ang pag-ibig ko
Pagkat walang ibang mahal
Ikaw lang ang ninanais ko

KORO
Wala na ngang iba akong hinihiling
Wala ng ibang dinadalangin
Kundi ikaw lang mahal ko 
Tayong dalawa haharap sa dambana 2x

III
Kahit anong pagsubok pa 
Haharapin pagkat mahal kita
Diyos ang sa akin ay alam 
Kung gaano kita kamahal

Ulitin Koro

 Tulay
Kahit na magdusa 
Kahit na maglaho ang mundo
Ikaw pa rin ang mamahalin

Ulitin Koro 2x

Wala ng ibang hinihiling
Wala ng ibang dinadalangin
Kundi ikaw lang mahal ko
Tayong dalawa haharap sa dambana 2x
Tayong dalawa haharap sa dambana

IISA by Butch Charvet

 I
Tingnan mo nga naman
Tingnan mo nga'ng buhay
Dati ika'y tinatanaw ko lang
Sa ating mga sulyapan
Nagbunga'ng pag iibigan
Pag-ibig na nagmula sa Maykapal

II
Kaya nga naman ako
Lubos ang tiwala sa'yo
Nadaramang lagi
Tamis ng pag- ibig mo
Kahit anumang lakas 
Ng bagyong natatanaw ko
Kapit kamay tayo, ikaw at ako

Koro
Ikaw at ako sa landas 
Ng katwirang mananangan
 Panginoon matibay nating sandigan
Sukdulan mang maharap tayo sa kahirapan
Ang Diyos ang nagbabantay ng ating sinimulan

III
Tingnan mo nga naman
Tingnan mo nga'ng buhay
Ngayon ika'y kapiling ko na
Ang dating pangarap lang
Mayroon ng kaganapan
Ngayon sa araw ng ating kasal

Tulay
Patutunayan natin sa buong mundo
Ang pinagbuklod ng Maykapal
Mananatili magpakailanman
Hindi alintana ang sasabihin pa ng iba
Pagkat ikaw at ako,
Ako at ikaw ay Iisa

Ulitin stanza III
Ulitin Koro 2x

Tingnan mo nga naman
Tingnan mo nga'ng buhay
Ngayon Ikaw at ako'y Iisa 2x





BILANGIN MO MAN ANG BITUIN by Butch Charvet


Sa sandaling ako ay namamanglaw
Walang maisip kundi ikaw
Larawan mo aking laging minamasdan

Sa bawat oras na aking tinatanaw
Ang bukas na darating
Ikaw ang aking makakapiling


KORO
Bilangin mo man ang bituin 
Hindi kayang tapusin 
Ganyan ang pag ibig ko sayo
Kalawakan ay ganun din
Walang hanggan kong pagmamasdan
Ganyan ang pag-ibig ko sa iyo
Giliw
At kung kailangan man kita
Ba't minsay di ko madama
Gayong alam nating dalawa
Mahal natin ang isa't  isa

Ulitin Koro 3x

BIGKIS by Butch Charvet Lyrics and Chords


Intro: G-D/F#-Em-C-D
G           D/F#      Em
Darating nga ba ang panahon
C         G/B            Am      D
Ang oras na ikay iibig pang muli, sinta?
Maiaalis mo ba ang pangangamba
Sa puso ko’y hanaphanap lagi kita

C              G/b
Kung nakita ko ang iyong luha
Am              D
Ikaw ba ay nangangamba?
Nagtiwala ako sa iyo
Ay masalin sinta

‘Di ko ibig na ika’y masaktan
Lalong di ko ibig sabihin ikay nagkukulang
‘Di bat tayo ay nagkaisa
Nakalakip sa alalang oras Oh sinta

G            C            D           G
Mayroon bang hahadlang, sa pinag-isa ng Maykapal
D/F#        Em          Am      C         D
Aling bagay ba ang katumbas ng iyong pagmamahal
Gaano mang pagsubok ang sa atin ay naghihintay
Asahan mo ang Diyos natin ay bigkis kailan pa man

Kung nakita ko ang iyong luha
Ikaw ba ay nangangamba?
Nagtiwala ako sa iyo
Ay masalin sinta

Mayron bang hahadlang, sa pinag-isa ng Maykapal
Aling bagay ba ang katumbas ng iyong pagmamahal
ano man pagsubok ang sa atin ay naghihintay
asahan mo ang Diyos bigkis kailanpaman

AWIT KAY CLAIRE by Butch Charvet Chords & Lyrics


Intro: C – G – Am / C – G – C (pause)
F  G
Araw ko’y papanglaw
Em Am
pag di ka natatanaw
F
kahit saglit man lang
G  C
ika’y masilayan
F  G
Sayo nga’y naghihintay
Em Am
sa pag-ibig mo hihimlay
F
Diyos ang siyang pinagmulan
G  C C7
ating pagmamahalan

Chorus:
F  G  Em Am
Kahit pa magtatagal ako’y maghihintay
F  G
Kahit ulitin pang muli
C  C7
Ang panahon na nagdaan
F   G   
Hindi ako mapapagal
Em  Am
Hindi malulumbay
F         
Aking tutunghayan
G
Ang bawat oras man
C
Alam ng Maykapal

(Do same chords in verse)

Puso’y wag mangangamba
Pagkat wala na ngang iba
Ako’y nakapako na
Sa’yo lamang aking sinta
Nais kong malaman mo
Hindi ako nahihiyang
Ipagsigawan sa mundong
Mahal na mahal kita